"Broken Hearted Me", Ito ang madalas pakinggan ng mga taong bigo sa pag-ibig, they think that time won't heal the pain. I have this friend let just call him Adonis, ex boyfriend sya ng best friend ko na we can call Adam. Nakipagbreak ang best friend ko because hindi nya na ganon kamahal si.Adonis. Na nagbago na daw ito at hindi na ganon gaya ng dati. Nasa college pa lang kami nung naging sila. They met with the help of other friend. Naalala ko pa sina bi ko kay Adam:
"Sino sya?" tanong ko.
" Ah sya, his name is Adonis, pinakilala sakin ni Alex, he is part of our clan.." he replied.
"Ganon ba? May gusto sayo yan." biglang sabi ko.
"Nu ka ba, we are just friends" he added.
"Well I can sense na gusto ka nya, maniwala ka sakin, babae ako, nararamdaman ko yun..bakit naman maghihintay ng ganon katagal yan para sayo?" nung sinabi ko yun..nanahimik si Adam.
Well, after 2 weeks sila na =) hahahah! Adonis is always there for Adam, naaalala ko pa nun ang daming sacrifice na ginawa ni Adonis para kay Adam.
1. Ginawa nyang lahat mapalapit lang sa barkada namin. Dati kasi ayaw namin sa kanya kasi ubod ng arte, pero for the sake of Adam, nagbago sya.
2. Nung time na yun, walang wala talaga si Adam, Naalala ko pa naghahati sila ng ulam sa Canteen makakain lang si Adam.
3. Huminto si Adonis sa pag-aaral at nagtrabaho sa Call Center Industry, yun din ung mga time na sya nag tumutulong kay Adam.
4. Sa may kayang pamilya lumaki sa Adonis, pero nakisama sya sa simpleng buhay ni Adam.
Kung sa sacrifice lang, madami talaga. Naging maganda ang relasyon nila for 5 years, pero the magic ended. Adam decided not to continue anymore. May moments na nag-inuman kami and asked him bakit? ano bang dahilan nia? Ang sabi nia:
"Kasi hindi na sya tulad ng dati, feeling ko masyado syang nakampante, Gusto nia magsex kami eh minsan ayaw kasi pagod ako, tapos magagalit sya. Nagbago na talga si Adonis. Tsaka di ba alam nio naman ung mga kapatid ko di ba? minsan si Josh sinuot ung pantalon nia, nagagalit si Adonis, eh un pa naman pag nasuot na ng iba ayaw nia ng suutin ung damit nia. Ayun" sabi ko naman : "mali naman kasi yun." nanahimik lang sya.
Bigla namin syang sinabihan, "Alam mo mali ang ginagawa mo, alam mo kung bakit? hiwalay kayo ngayon pero nakikipagkita ka kay Brent? anong iisipin nung tao? Papost post ka pa ng messase sa FB parang sinasadya mong saktan ung tao, natural mababasa nia yun di ba? Konting respeto lang kay Adonis, hindi ka naman makakarating dyan sa kinalalagyan mo kung hindi ka tinulungan nun eh. Respect lang Adam, mali yan eh, hindi pa naman ganon katagl na naghiwalay kayo. Wag kang ganyan, kahit maarte yun si Adonis we still consider him friends"
"Alam ko namang mali ako, mali talga ko" at biglang nanahimik.
Hindi ko alam kung bakit but I think my best friend, became so unfair to Adonis, why? okay lang naman na may magustuhan syang iba eh, pero nangyari kasi yun bago pa sila maghiwalay. Nagkikita sila ni Brent ng hindi alam ni Adonis. Do you think that's a fair game? Tingin nia ba maniniwala si Adonis na sa mag dahilan nia? Yun ang mali kay Adam. He is my best friend pero maling mali sya sa pagkakataon na ito. I know he just want to be happy, I understand that, however, he needs to be sensitive sa feeling ni Adonis. Five years? hindi biro yun, hindi basta basta kinakalimutan yun at basta na lang maghahanap ng iba. Pwede naman naman xang magmahal pero sana hindi nia pinamumuka sa EX niya na "Hoy pinalitan na kita agad, at pagsisigawan ko sa buong mundo kung gano ko sya kamahal". My bestfriend, please wake up. And be kind.
I dont know why im here, but im glad i am.
ReplyDeleteSalamat for posting this.
wow..I was surprised! tagal na nito..thanks for reading this.
Delete